sa dinami dami ng workshops na pinagdaanan namin, sa dinami dami ng mga characterization na ginagawa namin, kahit kailan hindi ko naturuan ang sarili ko na magbagong anyo, magkunyaring matapang, magkuyaring malakas, magkunyaring hindi nasasaktan sa mga ginagawa mo..
sa teatro kailangan pagrampa mo sa entablado, ibang katauhan ka na dapat, may ibang ugali, ibang mannerisms, ibang tao ka na. kaya ko naman yun, nagampanan ko na yun dati, kayang kaya naman. pero bakit pagkaharap kita ako at ako pa rin ang nasaharapan mo? yung mahina, yung iyakin, yung walang ibang ginawa kundi magmakaawa sa atensyon mo?
hindi ko malagyan ng maskara ang mukha ko para hindi mo makitang umiiyak ako, lumuluha tuwing sinasabihan mo ng mga talaga namang masasakit na bagay. hindi ko makundisyon ang sarili ko na kunin ang katauhan ng isang malakas at matapang na babae. babaeng hindi paaapi sa isang lalake. sinusubukan ko pero bakit parang walang nagyayari? hindi nga talaga natuturuang umarte ang puso. leche, virgong virgo pa man din ang signos ko. isang sentimental, ulol na mangingibig. isang baliw.
totoong may mga bagay na hindi naituro ang artistang artlets sa akin, maski ako hindi ko maturuan ang sarili ko na may mga bagay na hindi na sakop ng pag-arte, hindi kayang pekein, hindi kayang palamutian ng mga matatalinhagang linya, hindi kayang takpan ng make-up ang malungkot kong mukha sa tuwing nagkukunyaring kaya kong mabuhay sa pagbabalewala mo....
No comments:
Post a Comment