10.18.2005

listahan ng kailangang gawin ng isang taong mangangahas na magmamahal sa akin.

kailan ko kaya maririnig sayo na mahal na mahal mo ko? kailan ko kaya maririnig na salamat sa lahat pinaligaya mo ako? kailan ko kaya mararamdaman yung tunay na init ng yakap mula sayo? kailan ko kaya mararanasang matulog ng hindi mo tinutulugan? kailan ba kita mahahalikan na ako lang ang laman ng isip mo? kaialan kita makakausap na ako lang ang pagtutuonan ng atensyon mo?kailan?...

kailan mo kaya gagalangin ang desisyon ko? kailan mo kaya bibigyang importansya ang mga araw na importante para sa akin? kailan mo kaya ako yayakapin sa tuwing nilalamig ako, natatakot at naglalambing? kailan mo kaya pakikinggan ang mga iyak ko? kailan?...

kailan mo kaya ako ihahatid sa bahay? kailan ka kaya kakatok sa gate namin na may dalang putingmga rosas? kailan ka kaya makikipaglaro ng chess sa papa ko? makikipaglaro sa aso ko? ipagdadrive ang nanay ko? kailan ka magpapakilala sa magulang ko at sasabihing mahal na mahal ko po ang anak ninyo?

kailan kaya tayo magsisimbang dalawa?kailan ko kaya makikilala ang mga kaibigan mo? makakwentuhan ang mga kapatid mo? matulungan sa kusina ang nanay mo?kailan mo kaya ako ipapakilala sa tatay mo?


kailan ko kaya mararamdaman ang pagmamahal na higit pa sa halik at yakap?
kailan kaya ako iiyak ng hindi na ikaw ang dahilan?

No comments: