4.06.2006

thoughts of an inconsistent (depressed) writer

of watching Home Boy

i was just wondering. is snooky serna's boyfriend the ex-boyfriend of ala paredes? or was i just so stupid? anyway. their kinda weird---in a cute way. i think that nino is a member of the blue jeans band. imagine. nino at 32 inlove with snooky at 40. wow. amazing noh?

next. baron geisler and tarah tambunting (tunog mayaman noh?). tarah's 16 and baron's 23. nice. their kinda cute din. stories have it na while tarah (a singer) sings, baron will suddenly come up on stage and read tarah a poem, written while tarah was doing her thing on stage. pasweet.

lovers.

i wish i can be happy too.. free to express myself in public like them. enjoying my life to the ends of it. i wish i was allowed to fall in love...

to hell with tarah tambunting at 16.. i am already 18. of leagal age. can be sued. can sue. can work. can love. but not allowed to.. it sucks.

no offense tarah.. i'm just bitter about my isolated life..

a letter to mr. sigmund freud

ginoong sigmund freud,

itong sulat na ito ay tungkol nga pala sa paliwanag mo tungkol sa mga makumundong panaginip. oo alam kong hindi ka nakakaintindi ng tagalog pero dahil matalino ka naman.. eh.. alam kong gagawan mo ng paraan. tungkol ito sa napanaginipan ko tito boy.. este.. mr. freud. napanaginipan ko ang isa sa mga importanteng lalake ng buhay ko. hindi kamag-anak. naniginip akong magkasama raw kami sa isang gig sa mall, holding hands, at sweet na sweet. sa panaginip para kaming magsyota. pero sa totoong buhay, hindi kami. at parang si jewel in the palace at kapitan na forbidden love. hehe tangina ang corny ko pero susulatan pa rin kita.. hindi naman sa bawal pero parang taboo kasi. ah ewan. yun na lang. napanaginipan ko siya at sa panaginip na yun alam kong may "girlfriend" siya at alam niyang may "someone" ako pero pasweet pa rin kami sa panaginip na yun.. ang tanong.. BAKIT AKO NANAGINIP NG GANUN???

sabi mo daw kasi. ang mga panaginip ay mga hiling natin sa reality. kaya nga "dreams".. inaasam.. pinagnanasaan (lecheng term). at dahil nga hindi naman pupwedeng mangyari sa tunay na buhay, tinatapon ng utak natin ang mga ideyang ito sa sub-conscious at pagtulog natin magma-manifest ito into a dream (ayan. marami ng ingles na salita). ang tanong... SIGURADO KA BA???

alam kong naiirita ka na sa kin pero, pasensya na.. nawindang lang talaga ako sa panaginip ko nung isang gabi. hindi ko kinaya! haay. wala lang.. ikaw? kamusta na love life mo?

keep in touch,
kai

No comments: