3.24.2006

sa notebook ng tadhana

bukas....

ano kayang naghihintay na kapalaran para sa akin bukas?
ano kaya ang nakasulat sa notebook ng tadhana?
ano kaya ang pangitain ng mga propeta?
ano kaya ang hinain ng buhay para sa akin bukas?

iniwanan na niya ako--- babalik pa ba siya?
at kung babalik siya--- dahil nga ba sa pagmamahal niya sa akin?
at kung hindi na siya babalik---- kakayanin ko kaya?
at kung hindi nga siya babalik---- mamahalin MO kaya ako?
at kung hindi na nga talaga siya babalik---- sa akin MO kaya ibabalin pag-ibig mo?
at kung ako nga ang iibigin mo----- magiging masaya kaya tayo?
at kung ako nga talaga ang iibigin mo------- magkakatotoo nga kaya?

ano nga kaya ang nakasulat sa notebook ng tadhana?

at kung tuluyan na nga niya akong iiwanan------- maitapon ko kayang lahat ito sa basurahan ng nakaraan?...

No comments: