3.07.2006

if princess lulu and marco jung

ang kape daw hindi na masarap pagmalamig na..
pwede namang initin, hind ba?
pero hindi na raw 'sing sarap ng dati..
bakit naman kaya?
pag-ininit mo andun pa rin naman yung mga sangkap nun..
hindi naman nawala..
lumamig nga pero hindi naman naglaho..
hindi ba't pag mainit nakapapaso?
at yun ang mas masakit at nakadadala..
at hindi ba't pag-sobrang init, nawawala?
hindi ba't yun ang konsepto ng "evaporation" anila?
aanhin mo naman ang init kung wala yung mga dapat na nandudoon,
na inaasahan mong ikakukuntento mo?
init. isang relative term lang naman..
wala rin namang ibang makikialam...



parang love...

No comments: