1.19.2006

yoohoo.self?where are you?

i'm almost done reading bob ong's newest book. and i think i hear voices bribing me to write. i miss writing. my blog's not enough. (shit wait lang may katabi ako dito sa netopia na nakakairita na. english ng english)

speaking of, sa tingin ko i have to change my language dito sa blog ko. i think, ibig kong sabihin, parang gusto ko na lang magsulat sa tagalog. pero minsan kasi parang trying hard ako mag-tagalog, minsan trying hard mag-english.. wag na lang kaya ako magsalita?? hmm.. hindi naman siguro pwede yun noh? hindi ko kakayanin..

gusto ko magsulat. tae kasi tong si bob ong, nabubuhay nanaman yung depressed writer na nilibing ko sa sarili ko. minsan kasi pakiramdam ko hindi ako yung taong tipong may specialty. tang ina, parang jack of all trades, and a master of none. minsan sabihin man ng iba na ok yun, parang napakaloser pa rin ng dating. hmm.. versatile. a flop versatile.

at habang hindi pa ko nakakapagdecide sa tunay na landas na tatahakin ng blog ko eh magkukwento na lang muna ko ng mga katarantaduhan na nangyari sa araw ko. pagtapos ng exam, nagsorry na ko kay kaibigang mingu. ok naman na kami ulit. ito namang si pareng gab, may something kanina na hindi ko naman nalaman kung ano ang dahilan.. sad.

balik sa katabi ko dito sa netopia:
may ka VOICECHAT siya na kano yata or something. and i'm really PISSED NA! woohoo.. tae.

No comments: