secret lang natin to ha.. pero meron talaga akong mga taong iniidulo na hindi pangkaraniwan. tulad na lang ng mga taong ito:
1. yung mga videoke king and queens
- sila yung mga taong o.a kung o.a as in performance level -concert level kung kumanta sa mga malls or beerhouses.
-minsan mapapaisip ka na lang bakit ang lakas lakas ng loob nilang kumanta in public.. noh?
2. yung mga nag-ppreach na mga tao. yung mga bagba-bible reading sa:
a. malls, sa benches ng mga malls
b. yung sa mga intersection ng mga kalsada
c. yung bigla na lang sasakay ng jeep at babasahan ka ng bible
wala lang. kanina kasi pagsakay ko sa jeep may mamang sumakay at nagppreach ng gospel. yes, weird. pero isipin mo nalang yung guts nung tao to do all those. diba amazing? hmm..
gawin ko kaya yun?
----------------//
nga pala kanina ate gie called sa bahay. and told papa about sr. louisa.
she passed away...
when i heard the news naiyak ako. may mga funny memories kasi ako with sr. louisa. napakabait niya, nilibre pa nga niya ko ng bag sa girbaud. kaw ba naman makakita ng madre sa girbaud diba nakakatuwa.kanina lang pinag-iisipan ko ng ipaayos yung bag na yun kasi nasira ni mama.. tapos yun pala...
nga pala, nagshopping pa kami dati ng sapatos niya.. at higit sa lahat isa siya sa madreng sumagip sa buhay ko. she was one of the many sisters in divine mercy chapel/ congregation who prayed for my recovery nung unti unti na kong pinapatay ng dengue. and i will never forget her.
Lord please bless our beloved Sister Louisa.
We'll miss her...
please whisper our "I Love You's" to her..
No comments:
Post a Comment