8.29.2006

too oftenly "minsan"

minsan aalis ka na lang,
magpapakalayulayo.
magiisip.

at minsan naiisip ko,
wala siguro akong karaparan masaktan..
hindi dapat ako magreklamo,
hindi dapat umangal,
kasi daw ganito daw kapag nagmamahal.

minsan naisip kong umiyak,
wag pigilin ang luha,
pero minsan..
tutulo ito ng kusa.
ng walang kalabanlaban.
sa isang saglit na kung tawagin ay,
minsan.

minsan,
hindi ko na talaga maintindihan
ang ibig sabihin ng salitang pagmamahalan...

pero minsan babalik ka naman.
babalik na parang walang nangyari,
parang walang pusong nasaktan,
parang walang matang luhaan.

kasi minsan,
wala kang karapatang masaktan...
hindi nila dapat malaman,
na nasasaktan ka rin kahit minsan...

No comments: