Naaalala Mo pa ba yan? *sob*
Karla Pena
Sinubukan kong kutkutin ang ulo ko,
para kahit isa sa libong pangyayari
Na kasama kita eh
Mabuhayan ang dugo ko.
Nilalakad natin ang kahabaan ng Alabang,
Samu't-saring mukha ng rapist, mandurukot
Nadadaanan, tinitignan
Ngunit hawak mo ang kamay kong pasmado
Alam kong "okey ako sa olrayt"
Sa Jollibee,sa may Alabang pa rin
Kay lola, bumili ng yosi at kendi
Pula. Naisip ko tuloy:
Kasing kulay din ba ng yosi mo ang puso mo?
Natawa ako sa sarili ko,
Tinamaan ako!
Lahat na lang ng nasa paligid ko ay Pula.
Ang puso mo, ang yosi mo
Pati si Jollibee
Isa sa libong pangyayari
Na kasama kita.
Dunkin Donuts, next stop natin.
Mga tinapay na binalutan ng tsokolate
nasa korteng puso na lalagyan,umorder ka.
Magkatapat habang nalulunod sa mata mong
puno ng pagmamahal.
Naisipan ko tuloy umorder ng kape,itim.
Sing itim ng tsokolateng bumabalot sa
tinapay,
Sing itim ng pusong mong dati
nang nagpaluha sa 'kin.
Pagdating ng kape,napahigop sabay ngiti
Isa lang ito sa libong pangyayari
Na kasama kita.
(for toots)
hehe post ni ate karla sa bulletin. natuwa lang ako sa poem.
haay...
"Isa lang ito sa libong pangyayari
Na kasama kita."
No comments:
Post a Comment