2.09.2007

PARA!

Inihahandog ng
ARTISTANG ARTLETS...
Ang Opisyal na Mandudula ng Fakultad ng Sining at Panitik...
Unibersidad ng Santo Tomas...

Ang PAG-IBIG minsan kailangang hintayin kagaya lang ng paghihintay sa dadaang jeep o bus para makasakay patungo sa lugar na nais puntahan...

Pero minsan tila wala yatang dumaraan para ika'y parahin. Kung meron man baka puno na o dili kaya'y hindi naman ang destinasyon mo ang ruta.

(Depende na lang kung sasabit ka o maghihintay ng iba pa...)

...tandaan! Pagdating sa tamang destinasyon sumigaw lang nang...
PARA!

Ikaw rin! baka sumobra ka... sayang ang pamasahe!

Ngunit tandaan din na hindi naman laging ikaw ang dapat maghintay eh? Bakit hindi subukang ikaw naman ang magmaneho? Malay mo sa pagmamaneho mo, may makasama ka pa sa road trip ng puso mo!

PARA!Isang twin-bill all original production ng Artistang Artlets...

"Detour" Sa Panulat ni Joanna Marie Katanyag (MMDA Officer)
Sa direksiyon ni Jason dela Cruz (Ang Driver)
"One Way" Sa Panulat ni Michelle Ngu (MMDA Officer)
Sa Direksiyon ni John Emmanoel Moran (Ang Driver)
Sa Pamamahala ni Samantha Sanchez (Ang Kundoktora)
...ito ang PARA! makisakay na ngayong Pebrero!
Mag-abang lang sa ganap na:

PEBRERO 20, 2007- 1:00 NH, 3:00 NH AT 5:00 NH
PEBRERO 21, 2007- 10:00 NU, 1:00 NH, 3:00 NH, 5:00 NH AT
7:00 NGPEBRERO 22, 2007- 10:00 NU, 1:00 NH, 3:00 NH AT 5:00 NH
P50.00 ang pamasahe!
-original text by jmar castro
sa mga nais bumili ng ticket, mag-iwan po ng message sa tagboard :)
salamat! :)

No comments: